Matinee idol Coco Martin is named one of the Decade's Best Actors by the Manunuri ng Pelikulang Pilipino, in 34th Gawad Urian Awards. He was one of the three recipients of Gawad Urian's Decade's Best Actors, along with Philippine Showbiz' best actresses Gina Pareño and Cherry Pie Picache.
Here's the full text of the 29-year-old actor, Coco Martin's speech:
"Sa Urian, maraming maraming-maraming salamat po!
"Sa lahat ng [miyembro ng] Manunuri...napakalaking utang na loob ko po sa inyo dahil sa maikling panahon ko sa industriya, hindi ko po inaakalang magkakaroon agad ako ng ganitong kalaking achievement.
"Sabi ko nga po, ni minsan, nung bata ako, hindi ko pinangarap na maging artista.
"Nagkataon lang po na sa isang pangarap ko, yun ang naging daan...
"Ang pinangarap ko dati, na magpunta sa abroad, at ginamit ko ang pelikula para maging daan ito [para] makapunta ako sa abroad.
"Na ngayon po'y naging dahilan kung bakit ako nandito.
"Gusto ko po sanang pasalamatan ang mga taong naging dahilan kung bakit ako ngayon nandito.
"Ngayong gabi, nandito ako, gusto kong pasalamatan, unang-una, si Direk Dante Mendoza, sa lahat ng mga tiwalang ibinigay niya sa akin, sa lahat ng mga pelikula [na ginawa namin], sa lahat ng suporta at pagtuturo, at gabay na ibinigay niya sa akin.
"Kay Ihman Esturco [Coco's former manager], kay Ferdie Lapuz, kay Mr. Ed Instrella, kay Armando "Bing" Lao, kay Nanay Johven [Velasco], na nawala na po ngayon...
"At sa lahat po ng mga naging direktor ko sa indie—kay Direk Adolf Alix, kay Raya Martin [Next Attraction], kay direk Francis Pasion...
"At sa lahat ng mga artista at mga staff na nakatrabaho ko. Sa mga 'nanay' ko—kay Nanay Gina Pareño, kay Mommy Cherry Pie Picache, kay Ms. Jaclyn Jose—kay Kuya Alan Paule at kay Julio Diaz.
"Maraming-maraming salamat po sa lahat ng gabay na ibinigay Niya sa akin.
"Para po ito sa lola ko, na ngayon ko lang mapapasalamatan sa lahat ng mga award na natanggap ko.
"Dahil every time na tumatanggap ako ng award, gusto ko agad bumaba [ng stage] sa sobrang hiya,"
"Ngayon, sobrang ipinagmamalaki ko, '''La, para sa 'yo 'to!"
"Sa lahat ng paghihirap at pagmamahal na ibinigay mo sa akin, thank you so much...and God bless po sa inyong lahat!"
No comments:
Post a Comment
Feel free to leave any comments. Comments are moderated. Salamat po!